А)
BC
Pagyamanin
Sa pagpapatuloy ng aralin, masusukat mo kung gaano na kalawak ang mga
bagay na natutunan mo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
pagsasanay
Panuto: Kopyahin sa kwaderno ang pagsasanay at punan ang patlang ng tamang
sagot
1. Ang
ay ang pinakamabilis puksain sa lahat ng mga
insekto/kulisap. Kailangan lamang sunugin ang mga sapot nito kasama ang
uod upang hindi na ito muling makapaminsala.
2. Magpakulo ng tuyong dahon ng
at palamigin sa isang
lalagyan. Tuwing gagamit nito, kumuha lamang ng isang bahagi at haluan ng
tubig. Ito ay mainam sa lahat ng uri ng insketo.
3. Ang
ay isang uri ng pananim na ginagawang pestisidyo
ang pinatuyo at dinikdik na bunga nito at mainam ibudbod sa mga halamang
pinamumugaran ng mga insekto.
4. Ang
ay isang uri ng peste na naninirahan sa mga dahon
at nagiging dahilan ng pagkasira at pagkabulok nito. Maaaring puksain ang
mga ito sa pamamagitan ng dinurog na sili, sibuyas at luya.
5. Durugin lamang ang mga buto ng
at haluan ng tubig.
Ibomba sa mga halamang madalas na pinagpupugaran ng mga langgam at
iba pang mga insekto.