Gawain sa Pagkatuto bilang 3. Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ng tula. Hanapin ang matalinghagang pananalita/ simbolismo na ginamit at ibigay ang kahulugan nito.
1. Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay.
(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon De Jesus)
2. May tanging laruan isang bolang-apoy
Aywan ba kung sino ang dito’y napukol.
At sino rin kaya ang tagapagsindi?
Ng parol ng buwang pananglaw kung gabi?
(Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos)
III. Pagtataya (A)
Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_________1. Binubuo ng saknong at taludtod.
_________2. Bilang ng pantig sa bawat taludtod.
_________3. Tinuturing na pinakapuso ng tula.
_________4. Mga salitang malalim at di lantad ang kahulugan.
_________5. Sumasagisag sa kahulugan ng mga bagay, tao hayop sa pamamagitan ng mahiwaga at metapisikal.