Ibig sabihin ng panitikan
Answer:
Ang panitikan ay tumutukoy sa mga akdang isinulat upang magpahayag ng damdamin. Bukod dito, ito rin ay ginagamit upang magsalaysay ng isang karanasan. Ang panitikan ay makapangyarihan sapagkat kaya nitong impluwensyahan ang isip ng isang tao. Ito rin ay naglalaman ng ating mayamang kasaysayan. Samakatuwid, ang panitikan ay repleksyon ng ating buhay at karanasan.
Mahalaga na maunawaan at pag aralan natin ang panitikan sapagkat magagamit natin ang kaalaman sa ating pang araw araw na buhay. Lumalalim din ang pang unawa natin sa kultura na mayroon tayo, at naiintindihan natin ang mga naging karanasan ng ating mga ninuno. Ang panitikan ay susi sa pag unawa ng ating sarili. Ito rin ay makapangyarihan sapagkat kaya nitong impluwensyahan ang isang lipunang kinabibilangan.
Sumangguni sa sumusunod na link para sa karagdagang kaalaman tungkol sa iba't ibang halimbawa ng mga uri ng panitikan https://brainly.ph/question/553777
#LearnWithBrainly