Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang malalim na mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

ano-ano ang pagkain na nagsisimula sa letrang y

Sagot :

MGA PAGKAING NAGSISIMULA SA LETRANG "Y"

  • Yelo. Ang yelo ay tumigas o pinatigas na tubig sa refrigerator na nakasilid sa isang lalagyan. Ang pagyeyelo ay halimbawa ng condensation kung saan ang liquid ay nagiging solid. Kadalasang ginagamit ang yelo upang magpalamig ng halohalo, tubig, juice o softdrink na hindi nailagay sa pridyeder.
  • Yam . Ang yam ay tumutukoy sa mga pagkaing puno ng carbohydrates na tumutubo sa ugat ng halaman pailalim sa lupa gaya ng gabi, ube at kamote.
  • Yeast. Ito ang tawag sa malaharinang powder na nagpapatubo sa pagkaing niluluto. Kadalasan itong inihahalo sa puto o keyk. Kapag tinikman mo ito ay parang nangangagat sa iyong dila. Kapag wala ang sensasyong ito, ibig sabihin ang yeast ay expired na at wala na ang bisa nitong makapagpatubo ng niluluto.
  • Yema. Ang yema ay isang maliit nasinlaki ng holen na matamis na pagkaing mula sa pinainit o nilutong condensed milk. Pinaiinit muna ang kawali at inilalagay ang condensed milk. Hinahalo ito gamit ang sandok hanggang sa maging espiso na kaya ng gawing parang bola o cube ang hugis. Pinagigiling ang mga ito sa sukal upang hindi magdikit dikit.
  • Yolk. Ang yolk ay ang gitna o pinakaloob na parte ng itlog. Ito ang sinasabing malasang bahagi ng itlog subalit nakapaloob dito ang cholesterol kaya dahan dahan lang sa pagkain ng yolk. Pangunahing sangkap ang yolk sa lecheflan.
  • Yogurt. Ang yogurt ay gawa sa binurong gatas kaya medyo maasim subalit masarap pa rin dahil pumapaibabaw ang lasa ng gatas. Masustansiya rin ang yogurt sapagkat nagtataglay ito ng protina, carbohydrates at mga bitamina gaya ng ordinaryong gatas.
  • Yakitori. Ang yakitori ay isang uri ng putahe sa Japan na ang pangunahing sangkap ay manok.
  • Yardlong beans. Ang yardlong beans ay tinatawag ding string beans o sitaw sa tagalog. Kaya ito tinatawag na yardlong dahil mahaba ito  na pwedeng kasinghaba ng isang yarda/3 feet o halos isang metro.
  • Yema Cake. Ang yema cake ay isang uri ng cake na punong puno ng gatas. Matamis ito at napakasarap. Bagama’t masustansiya ang gatas, hinay hinay lang sa pagkain ng yema cake dahil ang sobrang tamis nito ay maaaring makapagdulot ng diabetes.

Para sa karagdagang kaalaman, maaaring buksan ang:

https://brainly.ph/question/1993886

https://brainly.ph/question/545817

#LetsStudy

Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa karagdagang impormasyon at mga sagot sa iba pang mga tanong na mayroon ka. Ipinagmamalaki naming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.