Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming Q&A platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

paano makakatulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon

Sagot :

Answer:

Answer:

Paano makakatulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?

Ang bawat tao ay may pangangailangan, ngunit hindi lahat ng kanyang pangangailangan ay matutugunan dahil sa limitadong pinag-kukunang yaman. At dahil dito, kinakailangang maging matalino ang isang nagdedesisyon sa pag-pili ng kanyang mga bibilihin kung ito ba ay pangangailangan o kagustuhan.Nararapat lamang na malaman ng isang mamimili kung ano ang dapat at di dapat niyang bilihin.

ANG PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN

• Ang pangangailangan ay mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay. Halimbawa nito ang pagkain, tirahan, at damit.  

• Ang kagustuhan ay mga bagay na ninanais ng tao upang makaramdam ng kasiyahan. Hindi ito kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay. Halimbawa nito ang sasakyan at cellphone.  

• Lahat ng tao ay may magkakaparehong pangangailangan ngunit magkakaibang kagustuhan.  

• Ang labis na paggamit ng isang pangangailangan ay maaari nang maging isang kagustuhan.

Paano makakatulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?

1. Maiiwasan din ang suliranin sa kakapusan kung ang tao ay may kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan. Dahil ang tao mismo ang magkokontrol kung kapus pa o sobra ang mga bagay-bagay.

2. Kapag ang  tao ay may kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan, magiging matalino  ang mga tao sa paggamit ng limitadong likas na yaman at nang sa gayon matugunan ang pangangailangan,

3. Magiging maingat ang tao sa paggamit ng mga pinagkukunang yaman.

4. Ang suliranin ng kakapusan ay dapat maging gabay upang maging matalino ang tao sa pagtugon sa kaniyang mga pangangailangan.

5. Mas gaganda ang estado ng buhay ng taong hindi maluho kumpara sa maluho.

Para sa karagdagang kaalaman buksan lamang ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/158383

brainly.ph/question/643225

brainly.ph/question/169426