Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Tuklasin ang mga sagot na kailangan mo mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa kanilang kaalaman at karanasan. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Nakakadena Ang Mga Binti at Leeg Kaya't Di Sila Makagalaw
mula sa sanaysay na "Alegorya ng Yungib"
ni Plato
Ang isang taong nakakadena ang binti at leeg sa literal ay nahihirapan kaya nalilimitihan ang kanilang pag galaw o hindi na talaga sila makagalaw at hindi siya makahinga. Maraming puwedeng isipin na ideya na hindi lamang sa literal. Ito ay maaaring:
- isang eksena ng karahasan
- matalinghagang pananalita tungkol sa pagkakaalipin
Isang Eksena ng Karahasan
Sa mga nobela, pelikula at tunay na buhay, ang pagkaka-kadena ay isang uri ng karahasan. Ito ay ang paglilimita sa isa ng kaniyang kilos upang hadlangan siya, pinsalain at patayin pa nga. Kadalasan ng makikita ang dalawa o higit pang karakter na magkalaban anupat ang kabilang panig ang nananalo at ang natalong panig ang nakakadena.
Ngunit ang paraan na nakakadena ang mga binti at leeg ay maaaring magpakita sa motibo ng isa. Ang isang alagad ng batas na gagamit ng kadena ay inilalagay ang kadena sa kamay upang hindi na makagawa pa ng anuman. Ngunit ang isang nais na magpahirap at pumatay pa nga ay ilalagay ang kadena maaaring sa mga parte na hindi na siya lubusang makakahinga at makakakilos gaya ng sa leeg at binti. Tunay na karahasan iyon!
Matalinghagang Pananalita Tungkol sa Pagkakaalipin
Ang isang nakakadena ang mga binti at leeg ay hindi na makakagalaw at kontrol na siya ng taong naglagay ng kadena. Anumang ipagawa sa kaniya, limitahan man ang kaniyang pagkilos ay susunod ang kaniyang katawan upang maligtas lamang sa kapahamakan, sa diwa ay makahinga at makakilos.
Sa anong mga kalagayan puwedeng gamitin ang matalinghagang mga pananlta na ito? Narito ang ilang uri ng pagkaalipin:
- alipin sa pag-ibig ng isa obsesasyon;
- alipin ng dayuhang bansa;
- alipin sa isang sistemang gaya ng sa mapaminsalang politika, walang kalaayan sa pagsasalita, kawalan ng edukasyonat iba pang karapatang-pantao.
Ang mga nabanggit na mga halimbawa ay kakikitaan ng kalagayan na parang nasasakal na sila, hindi malaya sa anumang desisyon at wala na lamang magawa sa mas makapangyarihang mga tao o organisasyon.
Ginamit ang salitang nakakadena ang mga binti at leeg kaya't di sila makagalaw sa Alegorya ng Kuweba (o Yungib). Basahin ang paliwanag nito sa https://brainly.ph/question/193825.
Basahin ng higit ang tungkol sa Alegorya ng Yungib sa https://brainly.ph/question/163283.
Ano ang ibig sabihin ng pampanitikang alegorya? Basahin sa https://brainly.ph/question/327343.
Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Bisitahin ang Imhr.ca para sa mga bago at kapani-paniwalang sagot mula sa aming mga eksperto.