Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Kumonekta sa mga propesyonal sa aming platform upang makatanggap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
SANHI AT EPEKTO NG POLUSYON
Answer:
Ang sanhi at epekto ng pagkakaroon ng Air, Water at Land Pollution ay ang sumusunod:
SANHI
- usok ng transportasyon at basurahan
- sunog
- usok sa sigarilyo.
- pagtatapon ng basura at kemikal
- pagmimina
- pagputol ng mga puno
EPEKTO
- pagkasira ng mga yaman sa tubig
- pagkamatay ng isda
- iba't ibang klase ng sakit
- mainit na temperatura
Explanation:
Ang polusyon ay isa sa pinakamalaking problema na kinakaharap ng daigdig sapagkat ito ay sumisira sa kalikasan. Ito ay may napakasamang epekto hindi lamang sa kapaligiran kundi pati na rin sa mga nilalang na may buhay kagaya ng tao at hayop. May iba't ibang uri ng polusyon at ito ay ang:
- Air Pollution
- Water Pollution
- Land Pollution
Air Pollution
Ang polusyon sa hangin ay nagmula sa mga iba't ibang pinagmumulan ng usok kagaya ng usok sa sasakyan, pabrika, pagsusunog ng kagubatan, basura at paninigarilyo. Dahil dito, nagkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan ng tao. Ito ang naging dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa baga, hika at allergy. Naging dahilan rin ito ng pagkakaroon ng mainit na temperatura at maliit na suplay ng oksiheno.
Water Pollution
Ang polusyon sa tubig ay ang pagiging marumi ng mga anyong tubig kagaya ng karagatan at ilog. Ito ay dahil sa pagtatapon ng mga basura at iba't ibang klase ng kemikal na nagiging dahilan naman ng pagkamatay ng mga isda at iba pang hayop sa dagat at pagkasira rin ng mga halamang dagat. Naging dahilan din ito ng pagkakasakit ng tao.
Land Pollution
Ang polusyon sa lupa ay naging problema sapagkat naging mapangabuso ang mga tao may kinalaman sa pagmimina na naging dahilan ng pagguho ng lupa at pagkakalbo ng kagubatan na naging dahilan naman ng pagbaha. Isa rin sa sanhi ay ang pagiimbak ng mga basura lalo na ng mga basurang natutunaw. Dahil sa mga ito, nagkakaroon ng landslide, pagkasira ng mga organismo sa lupa at pagkasira rin ng mga halaman.
Ang mga sumusunod ay mga karagdagang impormasyon tungkol sa polusyon at iba't ibang uri nito, maaari itong bisitahin:
- Ano ang dahilan polusyon sa hangin at tubig: https://brainly.ph/question/2131294
- Epekto ng polusyon sa lupa at tubig: https://brainly.ph/question/2020880
- Sanaysay tungkol sa lumalalang polusyon sa Pilipinas: https://brainly.ph/question/1569066
Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Imhr.ca, ang iyong go-to na site para sa mga tamang sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang kaalaman.