Answer:
Ang Pagbabalik
Ito ay isang tulang pasalaysay na akda ni Jose Corazon de Jesus na kilala rin sa tawag na "Huseng Batute". Ang tula ay binubuo ng 8 saknong na may 6 na taludtod at sukat na 12 pantig. Ang paksa ng tulang ito ay ang pagkawalay sa mahal sa buhay para makapagtrabaho at pighati para sa pagkamatay ng mga mahal sa buhay.
Buod
- Malungkot na nagpaalam ang isang lalaki sa kanyang irog para magsaka sa malayong lupain.
- Siya'y naglakbay at nakarating sa tinatawag na malayang lupain at sumalubong sa kanya ay mga kuwago at ibong itim.
- Pinatuloy siya sa isang tahanan at sinimulan nang magsaka kinabukasan.
- Pagdating ng Disyembre ay inani niya ng kanyang pananim at umuwi na dala-dala ang mga ito.
- Sa daa'y kinumpol niya ang ilang ligaw na bulaklak at iniisip na tiyak na magagalak ang kanyang irog sa kanyang pagbabalik.
- Lakad-takbo ang kanyang ginawa at nadatnan ang tahanang may musika at maraming tao kaya inakala niyang alam nilang darating siya.
- Nang mabuksan ang pinto ng kanilang bahay ay nakita niya ang kanyang irog na patay na at nasa kabaong.
#BrainlyLearnAtHome
#AnswerForTrees