Maligayang pagdating sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at tumpak na mga sagot. Sumali sa aming Q&A platform at makakuha ng eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.
Sagot :
LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
- LUGAR
- LOKASYON
- REHIYON
- PAGGALAW
- INTERAKSYON NG TAO SA KAPALIGIRAN
LUGAR
Ang lugar ay tumutukoy sa katangian na natatangi sa isang pook. May dalawang paraan sa pagtukoy sa isang lugar: ang una ay ang katangian ng kinaroroonan ng isang lugar at ang pangalawa ay ang katangian ng mga taong nakatira sa lugar.
LOKASYON
Ang mga kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig ang siyang tinatawag na lokasyon. May dalawang paraan para matukoy ang lokasyon ng isang lugar: ang Lokasyong Absolute at Relatibong Lokasyon.
REHIYON
Ang rehiyon naman ay tumutukoy sa bahagi o parte ng daigdig na pinagbuklod-buklod ng magkakatulad na pisikal at kultural na katangian.
PAGGALAW
Ang paggalaw ay tumutukoy sa paglipat ng tao o indibidwal sa isang lugar patungo o papunta sa iba o bagong lugar. Kabilang na dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari tulad ng hangin at ulan.
INTERAKSYON NG TAO SA KAPALIGIRAN
Ang interaksiyon ng tao sa kapaligiran ay tumutukoy sa ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran. Ang kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao.
Dagdag na babasahin:
Ano ang heograpiya?
https://brainly.ph/question/320469
Heograpiya ng Asya
https://brainly.ph/question/126990
Saklaw ng heorapiya
https://brainly.ph/question/118352
#LetsStudy
Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa mas marami pang impormasyon at kasagutan.