Ang Catal Huyuk ay isa sa mga pinakaunang pamayanan ng mga sinaunang tao noon na ngayon ay tinatawag na Turkey. Dito makikita ang patunay na mayroong sistema ang mga sinaunang tao ng agrikultura, paghahayupan, pag-iimbak ng mga pagkain. Ito ang tinaguriang pinaka "preserved" na "ancient neolithic site". Ang mga tao sa Catal Huyuk noon ay gumagamit ng mga kasangkapang mula sa pinakinis na mga bato.Tanyag din ang paraan ng paglibing ng kanilang mga patay dati kung saan inililibing lamang nila sa loob ng kanilang bahay ang kanilang mga patay. Dito nagsimula ang sining ng paghahabi at paggawa ng mga palayok ay isang paraan din ng hanapbuhay ng mga tao. Pagtatanim at pangangaso ang ikinabubuhay ng mga tao kung kaya't naaalagaan na ang mga kapatagan noon.