Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

ang kahalagahan ng pagpapatawad

Sagot :

Kasagutan:

•Kapatawaran

Ang pagpapatawad ay ang sadyang desisyon na palayain na ang mga negatibong damdamin katulad ng galit, paninisi at paghihiganti sa isang tao na sinaktan ka, kahit na parang hindi sila nararapat sa iyong kapatawaran.

•Importansya ng kapatawaran

Ang kapatawaran ay nagpapabuti sa ating sarili at nagbibigay sa atin ng kaligayahan. Kapag hindi kasi tayo nagpatawad, tayo ay nagdurusa pa rin, nasasaktan at puno ng sama ng loob, at may galit na higit na nakakasakit sa atin kaysa sa nagkasala sa atin. Ang pagpapatawad ay nagpapalaya sa atin upang mabuhay sa kasalukuyan at hindi sa ating nakaraan. Ang pagpapatawad ay nagpapahintulot sa atin na magpatuloy sa buhay nang walang galit o paghihiganti sa ating puso.

#AnswerForTrees

Answer:

Ang pagpapatawad ay tumutukoy sa pagtanggap sa isang tao na nagkamali na kung saan ay kinakalimutan na ang masamang nagawa sa isang tao.

Mahalaga ang pagpapatawad sapagkat dahil dito nagiging malaya ang isang tao at nagkakaroon kapayapaan sa kaniyang puso at kaisipan. Mahalaga ito upang mawala o maibsan ang mga negatibo sa isang tao. Sabi nga ng iba "Forgiveness is the way to be happy" o "Ang kapatawaran ay ang daan sa kasiyahan".

#AnswerForTrees