Sinaunang kabihasnan - China
Saan matatagpuan ang China?
Ang Tsina ay matatagpuan sa Silangang Asya. Ito ang pinakamalaking bansa sa Asya na 32 ulit ang laki sa Pilipinas. Nahihiwalay ang Tsina ng mga likas na balakid sa ibang lugar sa Asya. Makikita sa hilaga nito ang Gobi Desert, Yellow Sea at East China Sea sa timog silangan, Himalayas sa timog kanluran at Tibetan Plateau at Taklamakan Desert sa kanluran.
Matatagpuan dito ang Ilog ng Yangtze na pinakamahabang ilog sa Asya at ang ilog Hwang Ho. Ginamit ng mga Tsino ang mga ilog na ito para sa rutang pangkalakalan.
Mga ambag sa kabihasnan
· Unang paper brush at tinta
· Unang compass, pulbura para sa digmaan at paputok
· Industiya ng seda
· Unang perang papel
· Civil service examinations
· Chopsticks, calligraphy
· Payong, saranggola
· Great Wall of China
· Mga kaalaman sa pilosopiya mula kina Confucius, Lao Tzu at Mencius
--
:)
·