Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.
Sagot :
cold war
Ito ay noong pagkatapos ng Ikalawang digmaang pandaigdig isang Labanan ng diplomasya, propaganda at pagpapabagsak ng pamahalaan at kabuhayan ng kalabang ideolohiya. Isang bagong uri ng labanan ang umusbong sa mundo ang labanan ng ideolohiya.
Mga Dahilan ng Cold war
1. Alitan sa pagitan ng mga bansa na hindinnaman ginagamitan ng pwersa
- pagkatapos ng Ikalawang Digmaang pandaigdig sa pagitan ng United states at mga kaalyado nito at sa kabilang panig, ang mga pangkat sa mga bansa sa pamumuno ng dating Soviet Union. walang tuwirang alitang militar ang dalawang makapangyarihang bansa, sa halip umiiral ang labanang pandiplomatiko at pangkabuhayan at hidwaan tungkol sa ideolohiya at kanlurang Kapitalismo laban sa komunismo ng silangnag Europe.
Ito ang mga imporasyon noong pagkatapos ng ikawalang digmaang pandaigdig
Matapos ang digmaan , itinatag ang United Nations noong 1945, bilang isang kasangkapan ng kapayapaan. Hindi magkasundo sa mga probisyon ng kapayapaan ang mga nagsipagwaging bansa at kung paano lutasin ang mga suliranin at kaguluhan ng daigdig. Kaya nagkaroon ng Cold War.
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang pandaigdig , nagpangkat- pangkat ang mga bansa sa mundo sanhi ng magkakaiba at magkasalungat na paniniwala. Binubuo ng bansang demokratiko ang isang pangkat na tinatawag na free World sa pamumuno ng United States.
Nagtangka ang United states at ang mga kasamahan na pigilin ang paglaganap nito. Tinatawag na Soviet Union ang ikalawang pangkat at nagmimithing palaganapin ang komunismo sa buong daigdig sa pamamagitan ng rebolusyon. Naging magkaribal ang dalawang pinakamalakas na bansa sa mundo.
Nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945. Sa lupaypay na sangkatauhan, iisa lamang ang nais mangyari ng mga bansa ang bumangong muli at maiwasan ang digmaan. Binubuo lamang an daigdig noon ng mahigit na 170 estado. May sari-sariliing teritoryo, mamamayan at pamahalaannag mga estado nito, na ang populasyon ay kinakatawan ng iba’t ibang pamahalaan. Ngunit mayroon naman itong isang pandaigdig na organisasyon kung saan ang lahat ng estado ay maaaring magpulong sa iisang conference table- ang United nations.
Bukod dito, maraming bansa ang nahahati tulad ng East Germany, west Germany, south Korea, North Korea , Taiwan, Red China at North at south Vietnam. Humina ang impluwensya sa daigdig ng England at France at nahalinhan ng United States at Soviet Union. Nawala ang Nazism at fascism at umusbong ang panibagong ideolohiya, ang komunismo.
Para sa karagdagang impormasyon, buksan ang link na nasa ibaba
Ibigsabihin ng cold war : brainly.ph/question/541642
Bakit nagkaroon ng Cold war: brainly.ph/question/839902
Kahulugan ng cold war : brainly.ph/question/2091404
Salamat sa pagtitiwala sa amin sa iyong mga katanungan. Narito kami upang tulungan kang makahanap ng tumpak na mga sagot nang mabilis at mahusay. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.