Isa kang Guidance Counsilor (propesyunal na tagapayo ng mga mag-aaral kaugnay ng kanilang pampersonal, pang-akademiko at propesyunal na mga alalahanin.) sa isang pampublikong paaralan. Linggo-linggo ay may iba’t ibang mag-aaral ang nagtutungo sa iyong opisina upang humingi ng payo tungkol sa kanilang mga pinagdaraanang suliranin sa buhay. Napansin mong kahit sa murang edad ng mga mag-aaral ay masalimuot na ang mga suliraning kanilang kinakaharap. Ito ang nagiging sanhi ng hindi nila pagkakaroon ng lubos na atensyon sa pag-aaral. Sa dami ng mga mag-aaral sa iyong paaralan hindi mo mabibigyan ng atensyon at payo ang lahat ng mag-aaral. Naisip mo na magpaskil ng tulang pastoral na may mensaheng makapagbibigay sa kanila ng positibong pananaw sa buhay sa kabila ng pagiging masalimuot nito. Sa ganitong paraan parang nabigyan mo na rin ng payo ang bawat makababasa ng iyong tula. Dalawa hanggang tatlong taludtod na tulang pastoral ang iyong isusulat batay sa pamantayang ito.