8. Pilipinong kabataan na naniniwala sa mga kaisipang
liberal
9. Salitang iniuugnay sa malayang kaisipan
10. Sistemang pang-ekonomiya na ang yaman ng bansa ay
nasusukat sa dami ng ginto at pilak at pagkontrol sa
pakikipagpalitan ng produkto ng kolonya nito
B. Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at ang Mali naman
kung hindi.
1. Ang pagbubukas ng Kanal Suez ang dahilan sa paglakas ng
merkantilismong Espanyol sa Pilipinas.
2. Ang mga pangyayari sa Europa at Amerika ay mga salik ng reporma
sa Pilipinas sa panahon ng kolonyalismong Espanyol.
3. Ang paglaya ng Mehiko mula sa kolonyalismong Espanyol ay isa
sa mga naging sanhi ng paghinto ng kalakalang galyon.
4. Ang mga barkong dayuhan ay pinayagan na humimpil sa Look ng
Maynila noong panahong sinakop ng mga Ingles ang Pilipinas.
5. Ang merkantilismo ng Espanya ay may kaugnayan sa pagsisimula
ng kalakalang galyon.