Para sa akin, makatotohanan naman ang mensahe ng kwento tungkol sa butil ng
kape ay kung paano mo haharapin ang mga pagsubok sa buhay. Ipinapaliwanag dito
ang iba't ibang paraan ng pagtugon sa mga suliranin tulad ng carrots na
pinakuluan at lumambot, ang itlog na tumigas at ang butil ng kape na nagkaroon
ng ibang bango at saysay. Maihahalintulad ito sa isang tao na sinubok ngunit sa
simula lang malakas at kalaunan ay naging mahina at sumuko. Ang itlog naman ay
mula sa mistulang malinis at malambot na balat nito ay biglang tumigas
pagkatapos mapakuluan parang yung ibang tao na sa una sa mabubuti ngunit
pagkatapos subukin ay nagiging matigas ang mga puso para sa pagpapatawad.
Samantalang, ang kape na pinakuluan na nagkaroon ng ibang lasa at amoy at
parang ang taong iniharap mo sa maraming problema ngunit sa halip na maging
mahina o kaya'y matigas ay nagbago at nagkaroon ito ng karagdagang gamit o
sangkap at mas natututo ito sa pagsubok na naranasan, mas nagiging mabuti
kompara sa una. Ganyan ang naging kwento ng butil ng kape