Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

Mga halimbawa ng pabula na ng mula sa Mindanao

Sagot :

Mga halimbawa ng pabula na nagmula sa Mindanao

  • Si aso at si ipis  
  • Naging sultan si Pilandok
  • Si haring tamaraw at si Pilandok
  • Ang  kabayo at ang kalabaw
  • Pusa at ang daga
  • Ang mataba at payat na usa
  • Ang aso at ang uwak

                            “Ang kabayo at ang kalabaw”

Mayroong isang magsasaka ang nais na manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at isinakay sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa lamang ay sinimulan na nilang ang kanilang isang mahabang paglalakbay.Ngunit makaraan ang ilang oras ay nakaramdam na ng matinding pagod at panghihina si kalabaw dahil sa bigat ng mga nakapasang gamit sa kanya.

Sabi ng kalabaw kay kabayo, kaibigang kabayo mas mabigat ang pasan kong gamit kesa sa iyo maari bang tulungan mo naman akong pasanin ang iba? Pero ang tugon ni kabayo ay ganito. Aba! Iyan ang ipinapasan sayo ng ating amo kaya pagtiisan mo at lumakad na ito ng mabilis.

Pero patuloy na nakiusap si kalabaw kay kabayo, Kaibigang kabayo parang awa mon a tulungan mo naman ako alam mo namang pagganitong kainit ang sikat ng araw ay kaylangan kong mapalamig sa ilog dahil madaling mag init ang katawan ko. Bahala ka sa buhay mo ang painis na tugon ng kabayo.

Pagkaraan ng isang oras ay mas lalo pang tumindi ang init ng araw. Hindi nga nagtagal ay hindi na nakayanan ni kalabaw ang labis na pagod at sikat ng araw siya ay agad na pumanaw.Nang Makita ng amo nila ang nangyari ay kinuha nito lahat ang nakapasan kay kalabaw at inilipat sa kabayo. Samantalang si kabayo ay bahagya ng makalakad dahil sa labis na kabigatan ng nakapasan sa kanya  

At nawika niya na kung tinulungan ko lamang ang aking kasamang kalabaw ay hindi sana naging ganito kabigat ang mga pasan ko ngayon ito ng pag-sisising naibulong niya sa kanyang sarili.

Ang Pabula ay isa sa halimbawa ng ating panitikan, ito ay nagmula sa salitang Griyego na MUZOS na nangangahulugan ng mito o myth. Sa pabula ay ang mga gumaganap o tauhan ay mga hayop,halaman, mga bagay o puwersa ng kalikasan.Ang ating mga ninuno ay nagamit nila ang mga kuwento at aral na tinataglay ng pabula sa pagtuturo ng kagandahang asal sa mga tao.

Mga kilalang manunulat ng pabula

  1. Genoveva Matute
  2. Virgilio Almario
  3. Rogelio Sikat
  4. Amando Hernandez

Buksan para sa karagdagang kaalaman

https://brainly.ph/question/677197

https://brainly.ph/question/128747

https://brainly.ph/question/1643287

Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Ang iyong mga tanong ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.