1. Maging maingat sa damdamin ng ibang tao. Ang pagpapatawa sa pamamagitan ng kapintasan at pagkukulang ngiba ay hindi nararapat at nakakasakit ng damdamin ng hindi inaasahan.
2. Huwag mong pansinin o masyadong pag-ukulan ng panahon ang mga maling puna at mga paninira sa iyo.
3. Huwag maging sabik at sakim sa pagtanggap ng kaukulang ganti at papuri sa iyong mga nagawa. Masiyahan sa paggawa ng may pag-ibig, magtiyaga at itanggi ang sarili at ikaw ay gagalangin, gagantimpalaan pagdating ng araw.
4. Maging handa sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. Kaya man niya ay ialok pa rin ang iyong tulong. Kung ikaw ay tumutulong, ipakita mong ikaw ay nasisiyahan at hindi yaong pakunwari lamang.
5. Huwag mong palampasin ang isang pagkakataon sa pagbibigay ng lakas ng loob at kabutihan sa iyong kapwa-tao. Purihin mo ang gumagawa ng kapuri-puri sino man gumagawa niyon. Kung ang isang paggawa ay nangangailangan ng pagpuna, gawin alang-alang sa ikabubuo at ikawawasto, huwag ikasisira.