Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay totoo at Mali kung di wasto. 1. Mas malalimang kasiyahan na nadarama sa pagkamit ng pagpapahalaga, mas mataas ang antas nito. 2. Ang pagpapahalaga ng matertyal na bagay ay lumiliit habang nahahati ito. 3. Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung ito ay hindi nakabatay sa organismong nakararamdam nito. 4. Ayon kay Max Scheler hindi dapat kalimutan ang layunin ng pagpapahalaga. 5. Ang paggastos ng pera upang ibili ng aklat kaysa sa pambili ng pagkain, ito ay halimbawa ng Timelessness or ability to endure. 6. Isang halimbawa ng Indivisibility ay ang ibinabahagi mo ang mga bagay na meron ka. 7. Nagmula sa pag-aaral ni Dr. Manuel Dy ang limang katangian ng pagpapahalaga. 8. Halimbawa ng Depth of satisfaction ang mas ninais mo na sumali sa prayer meeting kaysa sa pagsama o sa iyong mga kaibigan sa mall. 9. Nasa tao kung paano niya palalalimin ang kanyang pagpapahalaga. 10. Marapat na magkatugma ang isip at puso sa pagpapahalaga sa isang bagay. 11. Piliin kung ano ang nararapat na mas pahalagahan. 12. Isipin ang mga bagay na makabubuti upang mapagpasyahan ang iyong pahahalagahan. 13. Mayroon lang Tatlong Katangian ng Pagpapahalaga o A Study on the Hierarchy of Values. 14. Ang birtud na kilos ay nagaganap kung ang isang tao ay pumipili ng isang pagpapahalaga. 15. Mahalaga ang antas ng pagpapahalaga sa pamantayan ng pagpapasiya.
Wag mo sagutan if d mo alam
Auto repoat