Ang Catal Huyuk ay
isa sa mga pinakaunang pamayanan ng mga sinaunang tao noon na ngayon ay
tinatawag na Turkey. Dito makikita ang patunay na mayroong sistema ang mga
sinaunang tao ng agrikultura, paghahayupan, pag-iimbak ng mga pagkain. Ito ang
tinaguriang pinaka "preserved" na "ancient neolithic
site". Ang mga tao sa Catal Huyuk
noon ay gumagamit ng mga kasangkapang mula sa pinakinis na mga bato.Tanyag
din ang paraan ng paglibing ng kanilang mga patay dati kung saan inililibing
lamang nila sa loob ng kanilang bahay ang kanilang mga patay. Dito nagsimula
ang sining ng paghahabi at paggawa ng mga palayok ay isang paraan
din ng hanapbuhay ng mga tao. Pagtatanim at pangangaso ang
ikinabubuhay ng mga tao kung kaya't naaalagaan na ang mga kapatagan noon.