Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

Pansexual meaning in tagalog

Sagot :

Ang Panseksuwalidad ay isang kilalang termino na tumutukoy sa pakiramdam na ang isa ay mayroon nang potensiyal para sa sekswal na atraksiyon, sekswal na pagnanais, o romantikong pag-ibig, patungo sa mga tao ng lahat ng mga pagkakakilanlan ng kasarian at biyolohikal na kasarian.[2][3] Ang ilang umamin na mga taong panseksuwal - napupukaw ng kapwa kasarian, lalaki man o babae[4] - ay tinuturing ang kanilang sarili bilang "bulag sa kasarian"—na ang kasarian at seks ay hindi gaanong mahalaga o hindi kaugnay sa pagtukoy kung naaakit sila sa iba sa seksuwal na paraan.[5] Ayon sa Oxford English Dictionary, ang pansexuality ay lumalagos sa lahat ng mga uri ng seksuwalidad; na hindi nakahangga o napipigilan sa pagpiling seksuwal na may kaugnayan sa kasarian o gawain." [6] Maari ding maging ibig sabihin ng panseksuwalidad ang pagiging naaakit sa tao dahil sa kaniyang personalidad, sa halip na sa kanilang pisikal na anyo o kasarian.

Ang konsepto ng panseksuwalidad ay sadyang tumatanggi sa ideya na may dalawa lamang na kasarian,[7] bilang tanggap ng mga panseksual ang pagkakaroon ng relasyon sa mga taong hindi istrikto o mahigpit sa pagkilala bilang lalake o babae lamang.[8]