Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.

bakit naging bansa ang philipinas?

Sagot :

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronics, semiconductor, transport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Happy Learning

Answer:

Tinawag na bansa ang Pilipinas sapagkat ang Pilipinas ay may gobyernong namamahala sa lahat ng yaman nito katulad ng mg yamang dagat at lupa. Ito din ay may sariling inuukupang teritoryo.

Explanation:

sorry that's what I can do

Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa karagdagang impormasyon at mga sagot sa iba pang mga tanong na mayroon ka. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Ipinagmamalaki naming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.