engene8
Answered

Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa aming komprehensibong Q&A platform. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.

Bakit Patuloy na inaangkin ng china ang west Phillipine sea? ​

Sagot :

Answer:

Maraming posibleng dahilan kung bakit patuloy na inaangkin ng china ang West Philippine Sea kahit na ito'y malinaw na teritoryo ng bansang Pilipinas. Maraming eksperto na rin ang nagsalita at nagpahayag ng pagsuporta sating bansa na ang mga islang matatagpuan sa West Philippine Sea ay sakop na teritoryo ng Pilipinas ngunit patuloy pa rin ang pagpapalawig ng pwersang militar ng China sa lugar na ito. Ilan sa mga dahilang kanilang binanggit ay:

Ayon sa kasaysayan ng China, itinuturing nitong isang probinsya kaya ang lahat ng nasasakupan ng ating bansa ay kanilang teritoryo. Ngunit, walang patunay ang pahayag na ito at walang makitang ebidensya na ito ay naganap sa kasaysayan.

Maganda ang lokasyon ng West Philippine Sea upang mapalawig, mapagtibay, at mapalakas ng China ang kanilang pwersang pantubig sa mga nais manakop sa kanilang bansa. Dahil napaliligiran ng kalupaan ang kanilang bansa at tanging ang West Philippine Sea ang pinakamalawak na katubigang malapit sa Pilipinas, magandang oportunidad ito upang maisakatuparan ang plano ng China.

Kamakailan lang ay maraming natutuklasang deposito ng langis sa West Philippine Sea kaya hindi maiaalis ang posibilidad na nais din nilang kamkamin ang mga natural na enerhiyang ito. Liban dito, sagana rin sa mga produktong dagat ang West Philippine Sea kaya dito nangingisda ang kanilang mga bangkang pangingisda.

Dahil rin sa patuloy na pakikipagmabutihan ng ating pamahalaan sa bansang China, kahit pa ka-alyado ng bansa ang America, nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang dalawang bansa at maaaring isa sa mga kundisyon ay ang usaping teritoryal.

Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Ipinagmamalaki naming magbigay ng sagot dito sa Imhr.ca. Bisitahin muli kami para sa mas marami pang impormasyon.