Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang detalyadong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

pagkakaiba ng salawikain sawikain at kasabihan venn diagram

Sagot :

Answer:

Ang salawikain ay tumutukoy sa mga kasabihan na may layuning magbigay aral. Ito ay base sa mga totoong karanasan o pangyayari sa buhay. Ang mga ito ay naglalaman ng praktikal na payo o kaalaman na maaari nating magamit. Madalas, ito ay maikli lamang, at payak ang mensahe. Ang salawikain ay tinatawag bilang proverbs sa Ingles.

Ang sawikain ay kilala rin sa tawag na idyoma (mula sa Ingles na “idiom”). Ito ay isang pagpapahayag na ang ibig-sabihin ay hindi ang direktang kahulugan nito. Gumagamit ito ng mga salitang kung titignan sa diksyunaryo ay iba ang kahulugan sa nais na iparating. Maaari rin nating sabihin na ito ay hindi tuwirang pagbibigay ng kahulugan sa isang tao, bagay, o pangyayari.

Ang kasabihan ay isang karunungang bayan. Ito ay bahagi na ng ating kultura at nagmula pa noong unang panahon. Ang mga ito rin ay napatunayan na bilang praktikal o epektibo. Ito ay maaaring tungkol sa iba't ibang paksa gaya ng edukasyon, wika, pamahalaan, pamumuhay, at iba pa. Ang kasabihan ay naglalaman ng gintong aral.

Explanation: CARRY ON LEARNING :)