Dalawang saklaw ng Ekonomiks:
1. Mikroekonomiks - ito ay may ugnayan sa desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal. Sinusuri ng mikroekonomiks ang galaw ng bawat negosyo at bawat konsumer - ang pagpili ng bahay-kalakal kung ano ang iproprodyus at presyo nito, maging ang pagpili ng sambahayan kung ano at magkano ang bibilhing produkto ay makakatulong upang maunawaan ang takbo ng ekonomiya.
Pangunahing elemento na bumubuo sa Mikroekonomiks ay ang ugnayan ng demand at suplay.
2. Makroekonomiks - ito ay tumutukoy sa kabuuan ng ekonomiya. Tinatalakay ng makroekonomiks ang kabuuang salik ng produksyon ng bansa, at maging ang pambansang kita. Sa Makroekonomiks, saklaw din nito ang ugnayan sa Mikroekonomiks, maging ang kabuuang empleyo (employment) at kawalan ng trabaho (unemployment).
Ang pangunahing elemento na bumubuo sa makroekonomiks ay ang sektor ng Industriya, Agrikultura at Serbisyo.
Ang GDP (Gross Domestic Product) at GNI (Gross National Income) ang mga output ng makroekonomiks.