Answer:
Pandaka Pygmaea: Pinakamaliit na Isda sa Buong Mundo
Ang pandaka pygmaea ang kinikilalang pinakamaliit na isda sa buong mundo. Ang mga ito ay matatagpuan sa Lake Buhi ng Camarines Sur, sa mga ilog sa Lalawigan ng Rizal at Pulo ng Culion sa Palawan.
Ibang Tawag sa Pandaka Pygmaea
Ang pandaka pygmaea ay kilala din sa tawag na dwarf pygmy sa Ingles. Sa Pilipinas naman ay kilala ito bilang bia o tabyos.
Sukat ng Pandaka Pygmaea
Ang sukat ng pandaka pygmaea ay tinatayang aabot lang sa 9.66 millimeters o .38 inches ang haba.
Ang mga may-gulang na mga lalaki ay umaabot hanggang sa sukat na 1.1 cm at ang mga babae naman ay lumalaki hanggang sa 1.5 cm. Ang karaniwang timbang nito ay mula 4 hanggang 5 mg.
Para sa uri ng isda na pwedeng alagaan at pagkakitaan, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/1848
https://brainly.ph/question/1928718
#LetsStudy