Ang Imhr.ca ay narito upang tulungan kang makahanap ng mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.
Sagot :
Answer:
Mga Dahilan ng Pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas
- Ang mga Kastila ay may misyong manakop ng mga lupain sa daigdig at isa na rito ay ang hangaring masakop ang Pilipinas.
- Sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas upang makatuklas ng mga ruta patungong Silangan.
- Isa rin itong bahagi ng pagkakatuklas ng mga lupain noong ika-15 hanggang ika-16 na siglo.
- Sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas dahil sa pampulitikang hangarin.
- Isa sa pinakang dahilan ng mga Kastila sa pananakop ng Pilipinas ay upang maipalaganap sa bansa ang relihiyong Kristiyanismo.
Ang tatlong layunin ng mga Kastila sa kanilang pananakop sa Pilipinas na tinatawag na 3G's:
- God (Kristiyanismo)
- Gold (Kayamanan)
- Glory (Karangalan)
God o Kristiyanismo
- Bahagi ng misyon ng mga Kastila sa pananakop ng mga lupain ay ang mas malawak na maipalaganap ang Katolisismo.
Gold o Kayamanan
- Itinuturing ng mga Kastila na kayamanan ang mga lupaing kanilang masasakop sapagkat kanilang mapakikinabangan ang mga yamang tao at yamang likas nito.
Glory o Karangalan
- Itinuturing ng mga Kastila na isang karangalan ng mga mananakop na bansa ang pagkakaroon ng mga kolonya o mga sakop na lupain.
Ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas ay isa sa pinakamahirap na pananakop na naranasan ng mga Pilipino laban sa mga dayuhang mananakop. Ang mga Pilipino ay ginawang mga alipin sa sariling bayan at hindi pinatikim ng kaginhawaan mula sa sarili nitong likas na kayamanan. Tunay ngang nakalulungkot ang pinagdaaanan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila, inalisan sila ng karapatan at kalayaan sa sariling bayan. Ang pananakop ng mga Kastila ay masasabing panahon ng pagmamalabis at kalupitan. Sa loob ng mahigit labing-pitong dekada ay nagtiis, nakipaglaban at nagbuwis ng buhay ang mga bayaning Pilipino upang makawala at makaligtas sa mga pang-aapi at makamit ang kasarinlan at kalayaang hinahangad at pinapangarap.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, magtungo sa link na:
brainly.ph/question/494500
#LearnWithBrainly
Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa mga eksperto.