Ang huwarang kabataang pandaigdig ay hindi kailangang
matikas ni gwapo o talentado. Ang higit
na kailangan niya ay ang mga katangiang magbibigay kahulugan sa kaniyang
pagkatao. At ito ang magiging tuntunin
niya sa buhay.
Una, dapat ipakita niya ang tunay na pag-ibig – pag-ibig sa
kapwa. Naisasagawa ito hindi lang sa
salita kundi lalo higit sa gawa. Sa
katunayan, ang lahat ng iba pang katangian ng isang tao ay sinasaklaw ng
pag-ibig. At para magawa ang tunay na
pag-ibig sa kapwa, dapat ay magkaroon muna siya ng pag-ibig sa Diyos.
Ikalawa, ang kabaitan at kabutihan ay dapat na makita sa
kanya kahit sa mga animoy maliliit at hindi napapansing gawa ng kabaitan at
kabutihan.
At ikatlo, kahit anong taglay na ng isang kabataang
huwaran, dapat itong makita hanggang sa pag-usad ng panahon. Magagawa lang niya ito kung isasaisip niya
ang isapang katangiang kaibig-ibig, ang kapakumbabaan.