Ang mga yamang-dagat
ay kabilang sa iba't ibang likas na yaman na patuloy na pinakikinabangan
ng lahat ng tao sa komunidad. Katulad ng ibang uri ng likas na yaman,
ang yamang dagat din ay nakapagbibigay ng hanapbuhay sa maraming
mamamayan sa isang lugar. Ang aspetong pangkabuhayan ang isa sa
pinakamalaking ambag na naibigay ng mga yamang dagat para sa kaunlaran
ng Timog-Silangang Asya.
Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay
ng mga mamamayang malapit o biniyayaan ng masaganang mga yamang dagat.
Hindi lamang ito nakakatulong sa pang-araw-araw na buhay ng mga
sinaunang tao ngunit ito rin ay naka-ambag ng malaki sa pondo ng
pamahalaan ng bansa. Ang kahalagahan ng mga yamang dagat ay katumbas ng
kahalagahan ng iba't ibang uri ng mga likas na yaman sa bansa na
hanggang ngayon ay patuloy na umaambag upang mapadali ang ang pag-unlad
ng bansa.
by" cute