Answered

Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

ano ang kahulugan ng pagligid sa araw

Sagot :

 Ang kahulugan ng Pagligid sa Araw ay ang pag-ikot ng mundo sa araw.  Rebolusyon ang tawag sa pag-ikot ng mundo sa araw.

Umaabot ng 365 na araw o isang buong taon ang pag ikot ng mundo sa araw habang umiikot din ito sa sarili niyang aksis, sa pagligid ng planeta sa araw ay nagbabago ang posisyon nito kung kaya't meron tayon iba't-ibang uri ng klima sa iba't-ibang bahagi ng mundo.

Dalawang paraan ng pagkilos na mundo

Ang una ay Rebolusyon ito ay ang pag-ikot ng mundo sa araw. Pangalawa ay ang Rotasyon ito ay ang pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis. Inaabot ng 24 oras ang isang buong pag-ikot ng mundo.Sa pag-ikot ng mundo, ang kalahating bahagi nito ay nakakubli sa araw kaya’t nagkakaroon ng liwanag at dilim (umaga at araw), dahilan kung bakit nagkakaiba ang oras sa mga bansang nakahiwalay sa ibang longhitud.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Rotasyon ng mundo tigna ang link na ito:  https://brainly.ph/question/1524087

Uri ng Klima  

  • Tag-araw o Tag tuyot – Pinakamainit at isa sa pinakatuyong mga panahon ng taon.  
  • Tag-ulan ito ay panahon nagaganap sa buwan ng Hunyo at karaniwang natatapos sa buwan ng Nobyembre.  
  • Tag-Lagas – Panahon pagkaraan ng tag-araw at bago dumating ang tag lamig.  
  • Tag-lamig panahon ng tag-yelo o winter.
  • Tagsibol o panahon pagkalipas ng tagyelo at bago sumapit ang tag-init o tag-araw.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Uri ng Klima tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/114231

Mga planeta simula sa maliit na sukat hanggang sa pinakamalaking sukat

  1. Jupiter - (diameter = 142,800 km) ang isa sa dalawang pinakamalalaking planeta sa solar system. Ito ay isang gaseous planet.  
  2. Saturn - (diameter = 120,660 km) ang pangalawa sa pinakamalalaking planeta. Ito ay kilala sa mga rings na nakapalibot dito.  
  3. Uranus - (diameter = 51,118 km) ay isa ding gaseous planet. ito ay tinuturing na kakambal ng Neptune dahil sa kulay nito (asul.) Ito ay may rings din ngunit hindi masyadong kita dahil sa nipis.
  4. Neptune - (diameter -= 49,528 km) ang pinakamalayong planeta sa solar system. Ito ay tinuturing na kakambal ng Uranus dahil sa kulay nito.
  5. Earth - (diameter = 12,756 km)  ito ang ating tahanan. Sa ngayon, ito lamang ang planetang kayang lumikha ng buhay.  
  6. Venus - (diameter = 12,104 km)  itinuturing na kakambal ng ating daigdig dahil sa parehas na sukat at kulay nito.
  7. Mars - (diameter = 6787 km)  ang isa sa mga pinakakontrobersyal na planeta ngayon.  
  8. Mercury - (diameter = 4879.4 km) ang planetang pinakamalapit sa araw.  

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Mga Planeta tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/2123434