Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan nang madali sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming komprehensibong Q&A platform. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.
Sagot :
Answer:
Bakit nga ba kailangan natin mag ehersisyo?
- Dahil ang pag ehersisyo ay kailangan ng ating katawan upang tayo ay lumakas. Ito ay makakatulong upang tayo ay maging masigla at upang mapalakas ang ating puso at baga. Ito rin ang kailangan natin upang maging maayos ang daloy ng oxygen sa ating katawan.
- Ito rin ay makakatulong sa atin upang ilayo tayo sa mga karamdaman o malulubhang sakit tulad ng sakit sa puso o sakit sa baga.
- Ito rin ay nakakatulong sa ating mga buto upang ito ay maging matibay.
- Nagbibigay rin ito sa isang tao ng self-confidence o lakas ng loob lalo na kung ang isang tao ay nagpapaganda ng kanyang pangangatawan o nagda diet. Isa kasi ito sa mga dahilan upang mapanatili ang magandang hubog ng katawan, malakas na pangangatawan, tamang timbang at magbigay ng kasiyahan sa isang tao.
- Nakakatulong ito upang lumakas ang ating immune system.
- Dahil sa ehersisyo nakakapag papawis tayo at nailalabas natin ang mga hindi dapat na toxins sa ating katawan.
Mga iba't ibang uri ng ehersisyo
- Paglalakad - mainam itong gawin lalo na kung umaga. Mas napapalakas nito ang ating mga muscle at ang ating baga. Mas maganda kung ito ay aabot ng tatlumpong minuto (30 minutes) kada araw. Kung ikaw ay may trabaho o pasok sa eskwelahan, mainam na maglaan ka ng kahit ilang minuto upang maglakad. Maaari mo ring lakarin papunta sa iyong trabaho o sa iyong paaralan ng sa ganon ay nakapag ehersisyo ka na rin. Maaari rin naman na gamitin mo ang hagdan ng iyong pinagtatrabahuan o ng iyong paaralan kesa sa gumamit ng elevator.
- Pagtakbo o pag jogging - mainam din itong gawin lalo na sa umaga. Dahil sa pag jogging, natutulungan natin ang ating katawan na maging maayos ang daloy ng oxygen na ating kailangan.
- Jumping jack - madalas itong makita o madalas ipagawa kung tayo ay nag wawarm up exercise. Nakakatulong ito sa ating puso at nakakabawas ng timbang.
- Push up - ito ay kadalasan ginagawa lalo na ng mga lalaki. Ito ay nakakatulong upang mapalakas ang ating muscle at mapalakas ang ating mga puso.
- Squats - ito ay mabisa upang mapalakas ang ating mga binti, braso at balakang. Tumutulong rin ito upang mapaganda ang hubog ng ating katawan.
- Crunches - ito ay ginagawa kung nais mong palakasin ang iyong abdominal muscles.
- Pagsasayaw o zumba - madalas itong aktibidad sa mga baranggay. Nakakatulong ito upang tayo ay pagpawisan at maging malakas ang ating katawan. Dahil sa pagsasayaw, gumaganda ang daloy ng ating oxygen. Pati na rin ang ating puso at baga ay nagiging malakas. Nakakaganda rin ito ng pangangatawan.
- Pagbibisekleta - kung nais mo namang makarating sa ibang lugar, maaari ka ring gumamit ng bisekleta dahil ito ay pag ehersisyo rin. Nakakatulong ito palakasin ang iyong mga muscles at ito ay lubos na nakakapagpapawis.
Kung nais mo pang makabasa ng iba pang impormasyon o detalye tungkol sa paksang ito, maaari mo ring tingnan ang mga links na ito:
- Timbang iwasto sa tamang ehersisyo nutrisyon at ehersisyo essay: https://brainly.ph/question/173105
- Kasingkahulugan ng ehersisyo: https://brainly.ph/question/181497
- Which of the following is not a gentle exercise routine? (sa wikang Ingles): https://brainly.ph/question/2165114
#LetsStudy
Salamat sa pagbisita sa aming plataporma. Umaasa kaming nahanap mo ang mga sagot na hinahanap mo. Bumalik ka anumang oras na kailangan mo ng karagdagang impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Ipinagmamalaki naming magbigay ng sagot dito sa Imhr.ca. Bisitahin muli kami para sa mas marami pang impormasyon.