Marami ang epekto nito hindi lang sa kabuhayan ng mga tao, kundi
maging sa likas na yaman, kalusugan at pangmalas ng isang tao.
Kapag bumagyo at nagkabaha, ang unang maapektuhan ay ang mga tao
kasama na rito ang kabuhayan nila.
Masisira ang mga pananim o mamamatay ang mga alagang hayop. Ang mga isda sa palaisdaan ay
makakawala. Hindi makakapasok sa trabaho
ang mga empleyado.
Sa likas na yaman, mahihirapan nang maka-recover ang mga ito sa
paglipas ng taon. Lalambot ang mga
lupain hanggang sa tuluyan na itong gumuho at magkaroon ng mga malalaking
landslide. Mamatay ang mga maliliit na
puno sa kagubatan, pati mga hayop, insekto at mikrobyo ay lilikas sa mga
kabahayan.
Sa kalusugan, marami ang magkakasakit sa mga panahong may bagyo
at baha. Mahirap kasi ang magluto at
umigib ng malinis na maiinom. Mahirap
kumilos sa mga panahong ito lalo na kapag mayroong kailangang isugod sa
ospital. Hindi masaya ang mga tao. At ang masaklap, matagalang trauma at stress
ang naidudulot nito sa mga tao.