Answer:
Magkasalungat
Ang magkasalungat ay ang kabaligtaran o kasalungat ng isang salita. Kadalasan ang mga salitang magkasalungat ay pang-uri o mga salitang naglalarawan sa isang tao, bagay, hayop, at pook o lugar. Maari ding katangian tulad ng uri, anyo, kulay, laki, amoy, lasa .
Mga halimbawa ng mga salitang magkasalungat:
- maganda, marikit – mapangit
- maliit – malaki, matangkad, mataas
- masaya – malungkot, malumbay
- malaki – maliit
- mabango - mabaho
- malawak - makipot
- tahimik – maingay, magulo
- mayaman – mahirap
- mabilis – mabagal, makupad
- mapayat – mataba, malusog
- mapurol – matalas, matalim
- mali – tama, wasto
- madaldal – tahimik
- malinis – madumi, madungis
- matapang – duwag
- mahaba - maiksi
- malakas - mahina
- galante - kuripot
- madulas - magaspang
- masipag - tamad
- basa - tuyo
- madilim - maliwanag
- marami - maunti
Para sa karagdagan pang Kaalaman i-click ang link sa ibaba:
Mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat: brainly.ph/question/42832
#BetterWithBrainly