Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang mga sagot na kailangan mo mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa kanilang kaalaman at karanasan. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.
Sagot :
Answer:
Ayon kay Halliday (1973), ang pagkatuto ng wika ay pagkatuto kung paano bumuo ng kahulugan. Sa ganitong prinsipyo, mahalaga ang potensiyal sa pagpapakahulugan batay sa konteksto at gamit. Sa pananaw ng sistematikong lingguwistika, nasa pundasyon ng wika ang kultural at panlipunang anyo bunga ng kultural at panlipunang proseso na lumilikha ng kahulugan sa isang umiiral na kultura.
Ang konsepto ng “potensiyal sa pagpapakahulugan” ni Halliday ay naniniwalang ang wika ay isang set ng tiyak at magkakaugnay na sistema ng mga semantikong pagpipilian na mauunawaan sa pamamagitan ng pananalita o leksikogramatikal na estruktura ng bokabularyo at sintaks. Kung gayon, hindi maihihiwalay ang kultura at lipunan sa pagpa-pakahulugan ng mga pahayag.
Maraming pang-araw-araw na gawain ang tao na nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon at gawain na may limitadong gamit ang wika sa tiyak na panlipunang konteksto. May tinatawag na transaksiyonal na kahulugan at funsiyonal (tungkulin) na konteksto. Transaksiyonal ang pagpapakahulugan ng dalawang taong nag-uusap sa magkabilang linya ng telepono ngunit ang panlipunang estruktura na nagtatakda ng wastong pagsisimula at pagtatapos ng isang pag-uusap ay malinaw na nagkokonsidera sa kontekstwal na tungkulin ng wika
Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Ang iyong mga tanong ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.