Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.

Ano ang mga uri ng mamimili?

Sagot :

♥MAPANURI : 
Sa pagbili ng produkto, matiyagang sinusuri ang mga bahagi ng produkto na bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo, at timbang ng produkto at may pagkakataon na ito ay inihahambing sa ibang produkto. 
♥May Alternatibo o Pamalit : 
Hindi sa lahat nang pagkakataon ay mabibili ang mga produkto na dati nang ginagamit o balak bilhin. Ang matalinong mamimili ay marunong humanap ng panghaliling produkto na makatutugon din sa pangangailangan. 
♥Hindi Nagpapadaya : 
Laganap sa ating pamilihan ang pandaraya ng mga tindera at tindero, kung kayat ang isang matalinong mamimili ay laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan. 
♥Makatuwiran : 
Ang pagkakaroon ng limitadong badyet sa pamimili ay palaging nararanasan ng mga konsyumer. Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad ng isang bagay. Isinasaisaip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili ng produkto. 
♥Sumusunod sa Badyet : 
Ito ay kaugnay ng pagiging makatuwiran ng matalinong konsyumer kung saan ay tinitimbang ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang kakayahang bilhin at kasiyahang maibibigay sa kanya . Hindi siya nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo. Ito ang dahilan ng pagkahilig ng mga konsyumer sa mga midnight sale, buy one, take one, o yung may mga give away o libreng produkto. 
♥Hindi Nagpapanic Buying : 
Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto ng mga nagtitinda o hoarders upang hintayin ang pagtaas ng presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer, dahil alam niyang ang pagpa-panicbuyingay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon. 
♥Hindi Nagpapadala sa Anunsyo : 
Ang pag-eendorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsyo na ginamit.