PANUTO: Unawain ang mga pahayag. Tukuyin kung ito ba ay pahayag sa PAGHIHINUHA o pahayag sa PAGBIBIGAY PATUNAY. Isulat ang sa 1/4 ang TITIK NG TAMANG SAGOT.
1.) Sa tingin ko, kapag ang tao ay palaging kumakain ng masustansiyang pagkain hindi siya magkakasakit.
a.) Paghihinuha
b.) Pagbibigay Patunay
2.) Mula sa Kalihim ng Kalusugan na si Francisco Duque III, “sa panahong ito ng pagsubok, ang pinakamalakas nating sandata bílang isang bayan ay pagbabantay, pagiging handa at pagkakaisa”.
a.)Paghihinuha
b.) Pagbibigay Patunay
3.) Marahil ang mga magulang, mag-aaral at guro ay umaasa na muling magbalik ang normal na klase upang mas maging aktibo ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
a.) Paghihinuha
b.) Pagbibigay Patunay
4.) Ang matagal na panahong hindi paglabas ng bahay na dulot ng pandemya ay hindi malayong maging daan upang magkasundo at umunlad ang relasyong pampamilya ng bawat isa sa atin.
a.) Paghihinuha
b.) Pagbibigay Patunay
5.) Batay sa pag-aaral,may dalawang sanhi ang climate change. Una, ang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at init ng lupa. Pangalawa, mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases.
a.) Paghihinuha
b.) Pagbibigay Patunay
6.) Totoong ang pagkakaroon ng pinag-aralang kongklusyon ay mahalaga sa pagbibigay ng patunay upang mas maging kapani-paniwala ang pahayag.
a.) Paghihinuha
b.) Pagbibigay Patunay
7.) Talagang nakababahala ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng virus. Batay sa pag-aaral, bukod sa pagpapabakuna at pagsunod sa safety health protocols ang masustansyang pagkain, tamang pahinga at ehersisyo ay nakatutulong rin na makaiwas sa COVID
a.) Paghihinuha
b.) Pagbibigay Patunay
8.) Sa aking palagay, ang bilyon-bilyong utang ng ating pamahalaan ay mababayaran lamang kapag ang ating pangulo ay napalitan na, sapagkat maraming pinunong mula sa iba’t ibang bansa ang kinakalaban niya.
a.) Paghihinuha
b.) Pagbibigay Patunay
9.) Ang pagtulong ng Sagip Kapamilya at Kapuso Foundation sa mga hikahos nating mga kababayan ay nagpapahiwatig na ang lahat ng Pilipino ay mapagmalasakit sa kapwa tao.
a.) Paghihinuha
b.) Pagbibigay Patunay
10.) Batay sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang kapangyarihang tinataglay ng Pangulo ng Pilipinas, na siyang magsisilbing puno ng estado at puno ng pamahalaan. a.) Paghihinuha b.) Pagbibigay Patunay