Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform.
Sagot :
Answer:
Ang lagnat ay isa sa mga pinakapangkaraniwang klase ng sakit. Kahit matanda o bata ka pa, ikaw ay pwedeng magkalagnat. Maraming sanhi na maaring magdulot ng lagnat. Ang mga halimbawa ng mga sanhi ay mga sakit katulad ng dengue, trangkaso, heat stroke, at marami pang iba. Dahil sa madaming rason na ikaw ay pwede magkaroon ng lagnat, ito ay nangangailangan ng maselan na pagsusuri galling sa isang propesyonal na praktisado sa medisina. Ito rin ay nangangailangan ng tamang gamot, para maibigay ang wastong lunas. Bago natin pag-usapan ang mga tamang lunas at gamot para sa lagnat, kailangan muna natin malaman ang mga sakit at sintomas ng lagnat.
Ang mga sintomas ng lagnat
- Ang lagnat ay isang kondisyon na ang temperatura ng katawan ay tumataas. Ang pag-angat ng temperatura ay bunga ng katawan sa kadahilanang ito ay pinoprotektahan laban sa mga iba’t-ibang sakit at impeksyon. Dahil sa dami ng sakit na nagiging sanhi ng lagnat, kailangan gumamit ng tamang gamot at lunas para ito ay hindi lumala. Ang lagnat ay may mga sintomas na makikita agad pagpakatpos ng ilan na araw. Ang mga sintomas ng lagnat ay ang mga nabibilang:
Sakit ng Ulo
- Ang pagkaraniwan na klase ng sakit ng ulo na nararanasan ng mga tao habang mayroong lagnat ay ang tinatawag na tension headache. Ang ganitong klase ng sakit ng ulo ay ang nagiging sanhi ng hapdi at kirot sa mga parte ng ulo at sa mga mata. Pwede rin makaranas ng paghahapdi sa leeg na pwede ring umabot sa ulo. Kapag lumala ang sakit sa ulo, maaring gumamit ng tamang gamot tulad ng paracetamol at ibuprofen.
Kapaguran
- Ang kapaguran ay nagreresulta sa kawalan ng enerhiya. Ito ay nararamdaman habang ang katawan ay lumalaban ng sakit. Importante na pigilan ang nakakaramdam ng kapaguran na makibahagi sa mga aktibidad na pisikal at nakakapagod.
Sakit sa kalamnan
- Ang sakit sa kalamnan ay konektado sa sintomas ng kapaguran. Ang karaniwang mararamdaman ng tao na may sakit sa kalamnan ay ang sakit sa likod, braso, kamay, paa, at mga binti. Ang nakakaramdam ng ganitong sintomas ay nangangailangan ng pahinga at pigilan makibahagi sa mga aktibidad ng pisikal. Importante na makapahinga ang katawan hanggang ito ay gumaling.
Pagbabago ng temperatura ng katawan
- Ang pinaka pangkaraniwang sintomas na nararanasan ng isang tao na may sakit na lagnat ay ang pagbabago ng temperatura ng katawan. Ang temperatura ng katawan ay tumataas na nagreresulta sa pag-iinit ng katawan sa labas, sapagkat ang nararamdaman ng katawan sa loob ay malamig. Importante na ang katawan ay nakabalot ng kumot at nakasuot ng makapal na damit.
Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Imhr.ca ay laging nandito para magbigay ng tamang sagot. Bisitahin muli kami para sa pinakabagong impormasyon.