Answer:
SISTEMANG PANG EKONOMIYA
Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon na pumili ng sistemang pang ekonomiya na papairalin sa ating bansa ay pipiliin ko pa din ang kapitalismo sapagkat sa sistemang kapitalismo ay malaya ang mga tao na mag may-ari ng mga salik ng produksyon tulad ng lupa, kapital, paggawa at entreprenyeur. Malaya din ang tao na mamili kung ano ang produkto ang ninanais. Malaya din ang kompetisyon ng mga negosyante. Ibig sabihin kung masipag ang isang tao ay mas yayaman siya kesa sa hindi kumikilos. Mas maganda tumira sa isang ekonomiya na mayroong malayang pagdedesisyon, malaya na magtakda ng presyo. Mahirap kumilos sa isang bansa na mayroong namumuno na diktador kaya mas pipiliin ko pa din ang kapitalismo.