Answered

Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Itanong ang iyong mga katanungan at makakuha ng eksaktong sagot mula sa mga propesyonal na may malawak na karanasan sa iba't ibang larangan. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

anu-ano ang mga halimbawa o uri ng  karunungang bayan

Sagot :

Mga uri at halimbawa ng karunungang bayan

  1. Salawikain
  2. Sawikain
  3. Palaisipan
  4. Bugtong
  5. Bulong
  6. Kasabihan
  7. Kawikaan

  • Salawikain

Ito ay uri ng karunungang bayan na tumutukoy sa isang matalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noon una sa pangangaral para maipakita sa mga bata ang mabubuting asal. dahil ito ay kinasasalaminan ng mga puna sa buhay

Halimbawa: Walang masamang  kanya, walang mabuti  sa iba

  • Sawikain

Ito ay uri ng karunungang bayan na tumutukoy sa patalinhagang pananalita kung saan ito ay isang paraan ng pagpukaw at paghasa sa kaisipan ng mga tao.  Ito ay nakalilibang at nadadagdagan din ang iyong kaalaman.

halimbawa: hulog ng langit

  • Palaisipan

ito ay isang uri ng katunungan bayan na gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng kalutasan sa isang suliranin.

Halimbawa: May sampung kalabaw na kumakain sa parang tumalon ang isa ilan ang natira? Sagot: sampo parin dahil tumalon lang naman hindi umalis

  • Bugtong

Ito ay uri ng karunungang bayan kung saan ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan, ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli at may sukat at tugma.

Halimbawa: ayan na ayan na di mo pa nakikita  (sagot hangin)

Andiyan na si kaka pabukabukaka (sagot  gunting )

  • Bulong

Ito ay uri ng karunungan bayan na kung saan ang halimbawa ay ang mga sinasabi kung ikaw ay dadaan sa punso sa mga lalawigan na pinaniniwalaan ng iba na mayroong nakatirang tuwede o nuno.

Halimbawa: Tabi tabi po makikiraan lang po. Huwag po kayong magagalit

  • Kasabihan

Ito ang uri ng karunungang bayan kung saan ay bukang bibig ng mga bata at gayon din ng matatanda. Ito ay mga tulang pambata tinaguriang tugmang walang diwa at mababaw ang kahulugan.

Halimbawa: Hoy batang duwag, putak ka ng putak ,matapang ka lamang at ikaw ay nasa pugad.

  • Kawikaan

ito ay uri ng karunungang baya na kung saan ito ay kauri ng salawikain, ngunit may kaibahan na lagi itong nagtataglay ng mga aral sa buhay

Halimbawa: Ang taong merong tiyaga anuman ay kanyang nagagawa

Buksan para sa karagdagang kaalaman

kahalagahan ng karunungan bayan https://brainly.ph/question/14959

iba pang kahalagahan ng karunungang bayan https://brainly.ph/question/392341

karunungang bayan kahulugan https://brainly.ph/question/574619

Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Ang iyong mga tanong ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.