Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

mga tula tungkol sa gulay

Sagot :

MGA TULA TUNGKOL SA GULAY

1. Lagi bang matamlay at minsa’y lupaypay?

Siguro pagkain ay hindi nababagay

Sa katawang dapat malusog na tunay

Ang sagot d’yan ay mga pagkaing gulay

Dahil sa gulay, may sustansiyang tunay

Magandang balat, masayahing buhay

Sapagkat sa gulay na luto ni inay

Lusog at talino, ating matataglay

2. Gulay, gulay ang ating kailangan

Ihain araw-araw sa hapag kainan

Lusog at sustansiya ating makakamtan

Kapag gulay sa mesa ay matatagpuan

Maaaring iulam, pwede ring wala lang

Ihalo sa isda maging sa karne man

Sa pagkain ng gulay marami ang natulungan

Matanda, bata, kahit pa sinuman  

MGA BENEPISYONG MAKUKUHA SA PAGKAIN NG GULAY

  1. Mababa ito sa fats at calories kaya kahit marami ang kainin mo, hindi ka tataba.
  2. Kadalasan sa mga gulay ay mataas ang potassium na nakakatulong upang i-maintain ang blood pressure dahilan upang makaiwas sa sakit.
  3. Nakukuha mula sa gulay ang iba’t ibang bitamina, mineral at nutrisyon upang tayo ay maging malusog at malayo sa sakit.
  4. Mura lamang ang gulay kumpara sa karne at isda. Kung kapos ka sa badyet, makakatulong ang paghalo ng gulay sa lulutuing isda o karne. Nakamura ka na, may sustansiya ka pa!

MGA HALIMBAWA NG GULAY NA MADALING MAKITA RITO SA PILIPINAS NA MAYAMAN SA BITAMINA AT MINERAL

  • Malunggay
  • Camote tops
  • Talbos ng kamote
  • Kalabasa
  • Talbos ng kangkong
  • Petsay
  • Talong
  • Okra
  • Bataw
  • Sitaw

Para sa karagdagang kaalaman, maaaring buksan ang:

https://brainly.ph/question/553878

#LetsStudy

Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Bumalik sa Imhr.ca para sa karagdagang kaalaman at kasagutan mula sa mga eksperto.