Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

Ano Ang Ibig Sabihin ng idyoma

Sagot :

ANO ANG IDYOMA?

Ang Idyoma o idioms ay matatalinhagang pahayag na nakatago ang tunay na kahulugan nito sa likod ng salita. Natutuhan ang kahulugan ng idyoma sa tulong ng mga salitang dito’y nakapaligid at sa tulong ng malalim na pag-unawa sa diwa ng pangungusap.

Hindi literal ang kahulugan ng mga Idyoma. Ito ay nagbibigay kulay sa ating wika sa larangan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan o pakikipag-talakayan. Sa pamamagitan ng paggamit nito ay nagiging maganda at makulay ang mga salita dahil hindi nilalantad agad-agad ang diwang taglay nito. Binibigyan ng manunulat ang mga mambabasa ng pagkakataong kilitiin ang kanilang isip.

MGA HALIMBAWA NG IDYOMA

1. Pagputi ng uwak o pag-itim ng kalapati- ang ibig sabihin nito ay imposibleng mangyari ang isang bagay.

Halimbawa:

Magkatuluyan lamang kayong dalawa sa pagputi ng uwak.

2. Ningas Kugon- sa simula lamang nagiging masipag at madaling magsawa sa bandang huli.

Halimbawa:

Isa siyang ningas kugon kaya huwag mo siyang pagkakatiwalaan na gawin ang mga bagay na iyan.

3. Malapad ang papel- taong may malaking impluwensiya  

Halimbawa:

Nagpapalapad siya ng papel para sa kaniyang promotion.

4. Di-mahulugang karayom- nangangahulugang maraming tao sa isang pook o lugar.

Halimbawa:  

Di-mahulugang karayom ang palengke kahapon dahil marami nang mga murang paninda.

5. Naniningalang pugad- nanliligaw.

Halimbawa:

Ang binata ay pumunta sa bahay ng babaing kanyang iniibig sapagkat siya ay naniningalang pugad dito.

6. Nagtataingang Kawali- Nagbibingi-bingihan

Halimbawa:

Nagtataingang kawali na naman siya sa utos ng kaniyang ina.

7. Kaututang dila- laging kausap o katsismisan

Sina Razel at Gerold ay laging magkaututang dila lalo na sa kalokohan.

8. Magdilang anghel- Umaasa ang isang taong magkatotoo ang isang bagay o pangyayari.

Halimbawa:

Magdilang anghel ka sana na dumating na ang taong magmamahal sakin ng tapat at totoo.

9. Magsunog ng kilay- Nangangahulugang mag-aral ng mabuti.

Halimbawa:

Sina Sam at Annie ay masipag magsunog ng kilay tuwing gabi upang magkaroon ng mataas na marka.

10. Isulat sa tubig- Ang ibig sabihin nito ay kalimutan na. Ito ay kadalasang tungkol sa utang.

Halimbawa:

Isulat ko nalang sa tubig ang pag-asang susuklian niya ang pagmamahal ko sa kaniya.

Kahulugan ng idyoma at halimbawa nito:

brainly.ph/question/14914

brainly.ph/question/32387

brainly.ph/question/14914