Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform.

kahulugan ng isiniwalat, sakbibi,itigis, tatalikdan at lumiyag

Sagot :

Ang kahulugan ng mga sumusunod na salita

  1. isiniwalat
  2. sakbibi
  3. itigis
  4. tatalikdan
  5. lumiyag
  • Isiniwalat

ito ay nangangahulugan ng ibinunyag, ipinagtapat, ipinaalam,ibinulgar, ikinuwento, pinagsasabi.

Halimbawa nito sa pangungusap

Isiniwalat ni Lourdes lahat ng kanyang nalalaman, tungkol sa anumalyang nangyayari sa kanilang kumpanya.

  • Sakbibi

ito ay nangangahulugan ng mabigat na karga, tigib

Halimbawa nito sa pangungusap

Ang bangka na galing sa Isla ng Marinduque ay sakbibi dahil sa dami ng karga nitong mga kalakal at mga tao.

  • Itigis

ito ay nangangahulugan ng padaluyin, ibuhos

Halimbawa nito sa pangungusap

Ang sabi ng aking ina ay itigis ko ang mainit na tubig sa aming lababo upang matunaw ang mga sebo na bumabara dito.

  • Tatalikdan

ito ay nangangahulugan ng tatalikuran, pababayaan, at magpapaubaya

Halimbawa nito sa pangungusap

Nangako ako sa aking asawa na tatalikdan ko na ang aking mga bisyo para sa aking mga anak.

  • Lumiyag

ito ay nangangahulugan ng magmahal, o umibig, ito ay may salitang ugat na liyag na nangangahulugan ng iniibig, giliw,irog, minamahal

Halimbawa nito sa pangungusap

Ang binatang si Jose ay lumiyag sa napakagandang dalaga sa kanilang nayon na si Maria.

Buksan ang link para sa karagdagang kahulugan ng mga salita

Kahulugan ng mga salita https://brainly.ph/question/1530697

Mga halimbawa ng matalinghagang salita at mga kahulugan nito? https://brainly.ph/question/108078

Iba pang halimbawa ng mga matalinghagang salita at kahulugan nito? https://brainly.ph/question/108077