Answered

Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Itanong ang iyong mga katanungan at makakuha ng eksaktong sagot mula sa mga propesyonal na may malawak na karanasan sa iba't ibang larangan. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

KATANGIAN NG KWENTONG BAYAN


Sagot :

Mga Katangian ng Kwentong Bayan:

  • Patuloy na lumalaganap at nagpapasalin - salin sa iba't ibang henerasyon.
  • Nagtataglay ng anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar na pinagmulan nito.
  • Naglalahad ng mga mahiwagang bagay o pangyayari.
  • Naglalaman ng mga gintong aral na nagpapahiwatig ng mga bagay na nagaganap sa paligid.

Depinisyon:

       Ang mga kwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang - isip na mga tauhan na sumisimbolo sa mga uri ng mamamayan tulad ng matandang hari, isang lalaking pantas, o kaya ay isang inosenteng babae.

Upang maunawaan kung ano ang kwentong bayan, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/1478326

Mga Uri ng Kwentong Bayan:

  • alamat
  • mito
  • pabula
  • parabula

Ang alamat ay tumutukoy sa mga kwentong nagsasaad ng pinagmulan o pinanggalingan ng isang tao o bagay.

Halimbawa:

  1. Alamat ng Pinya
  2. Alamat ng Tao

Ang mito ay tumutukoy sa mga kwentong tumatalakay sa mga Diyos at Diyosa.

Halimbawa:

  1. Si Sirena at si Santiago
  2. Biag ni Lam - ang

Ang pabula ay tumutukoy sa mga kwentong tumatalakay sa mga hayop na nagsasalita na karaniwang inihahalintulad sa tao sanhi ng kanilang mga katangian at pag - uugaling taglay.

Halimbawa:

  1. Si Langgam at si Tipaklong
  2. Si Kuneho at si Pagong

Ang parabula ay tumutukoy sa mga kwentong matatagpuan sa Bibliya na may dalang aral.

Halimbawa:

  1. Parabula ng Sampung Birhen
  2. Parabula ng Alibughang Anak

Upang lubos na maunawaan ang mga uri at halimbawa ng kwentong bayan, basahin ang mga sumusunod na links:

https://brainly.ph/question/109912

https://brainly.ph/question/1498847