Nagkakaroon ka ng dagdag na kaalaman partikular sa ekonomiks mismo. Ekonomiks na tinatawag ay ang pag-aaral ng tamang paggamit ng limitadong resources upang tugunan ang pangangailangan ng nakararami. Sa panonood o pakikinig mo ng balita na may kinalaman sa Ekonomiks, mas naiintindihan mo kung bakit mataas ang presyo ng isang produkto o serbisyo ngayong buwan kumpara noong nakaraan dahil na rin napagdudugtong mo ang iyong pinag-aaralan sa eskwelahan na "Law of Demand at Suppy" sa mga aktwal na pangyayari sa ekonomiya ng bansa at ito na ngayo'y iyong naisasabuhay.
Magkagayon, ang kahalagahan ng pagkuha mo ng balita na may kinalaman sa ekonomiks ay simple lamang. Ito ay upang tulungan kang maging madiskarte at marunong na indibidwal na siyang kinakailangan upang lalong mapagtibay ang lumalagong ekonomiya ng iyong bansa.