Nangingibabaw ang kabutihang panlahat sa mga pagkakataong:
1. Nagagamit ng mga mamayan ang karapatan nilang bumoto pagdating ng eleksyon.
2. Ang batas na ipinapasa ay hindi nakatuon sa nakararami lamang kundi para sa lahat ng tao sa lipunan.
3. Naglalaan ng budget ang pamahalaan para sa mga pampublikong paaralan at pampublikong pagamutan. Dahil ang lahat ng kabataan ay pag-asa ng bayan. At ang lahat ng pampublikong pagamutan ay para sa lahat ng mamamayan.
4. Nakakapamuhay ng matiwasay ang lahat ng tao sa lipunan dahil protektado ang lahat ng karapatang pantao, mayaman man o mahirap. Hindi nangangamba na sila ay huhusgahan at kikitilin ng pamahalaan dahil nakasaad sa konstitusyon na Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or ari-arian ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.