Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Kumonekta sa mga propesyonal sa aming platform upang makatanggap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.

kahulugan ng paggalaw

Sagot :

Kahulugan ng Paggalaw

Ito ay tumutukoy sa pagkilos o pag-alis ng isang bagay o tao sa kinalalagyan nito patungo sa ibang direksyon. Ang paggalaw ay kinakailangan ng enerhiya o lakas upang mapakilos ang nais pagalawin. Isa sa halimbawa nito ay ang tao, hindi ito makakaalis sa kinatatayuan nito kung wala itong sapat na lakas upang humakbang at hindi rin nito maitataas ang kamay nito kung wala itong lakas.

Sa kalaikasan naman ay may iba't ibang enerhiya tayo na nagpapagalaw sa isang bagay; maituturing na ang hangin ay isang enerhiya na nagpapakilos sa mga halaman at nagpapaalon sa dagat.

Gamit sa Pangungusap ng salitang Paggalaw

  • Ang paggalaw ng kamay ni Hilda ay tanda na humihingi ito ng tulong mula sa kanyang mga kaibigan.
  • Ang malakas na hangin ang siyang nagpapagalaw sa mga dahon ng punong mangga.
  • Ang paggalaw ng lupa ay bunga ng pagputok ng Bulkang Taal.
  • Hindi mapagalaw ni Marta ang kanyang kanang kamay sapagkat ito ang naging bunga ng kanyang pagkahulog sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.
  • Ang paggalaw ng mga maliliit na bato sa ilog ay bunga ng malakas na daloy ng tubig.
  • Ang mga serbidora sa kaininan ni Manang Tisay ay daliang nagsigalaw  ng marinig ang boses ng masungit nitong asawa.
  • Ang bilis gumalaw ng mga manlalaro sa ginanap na paligsahan sa bayan ng Lucena.
  • Patalon-talon na gumalaw ang tipaklong matapos na ito'y makalaya sa pagkakakulong ng batang humuli dito.

Para sa karagdagang impormasyon ikaw ay inaanyayahang magtungo sa link na nasa ibaba

https://brainly.ph/question/130075

https://brainly.ph/question/588864

https://brainly.ph/question/20636

#BetterWithBrainly