Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Kumuha ng detalyado at eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Modal:
Sagot:
a. malapandiwa
Paliwanag:
Ang malapandiwa ay tumutukoy sa gamit ng modal bilang pandiwa sapagkat ang mga ito ay katagang katulad ng pandiwa. Ang mga modal na malapandiwa ang nagsisilbing pandiwa sa loob ng pangungusap ngunit ang totoo ay wala talagang pandiwa sa loob ng mga pangungusap na ito. Ang mga modal na gusto, hangad, at kailangan ang nagpapahiwatig ng pandiwa.
Mga Halimbawa:
- Ibig ng mga katiwala na ipagtanggol ang kanilang prinsesa.
- Nais ng kanyang mga anak na mabigyan siya ng magarang salu – salo.
- Gusto kong mapasyalan ang buong mundo.
Kahulugan ng malapandiwa: https://brainly.ph/question/849436
Tandaan:
Ang modal ay salitang tila pandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng kakayahan, pagkagusto, obligasyon, pahintulot, at posibilidad. Ang anyo ng modal ay hindi nababago dahil wala itong aspekto.
Mga Halimbawa:
- maaari
- gusto
- ibig
- nais
- dapat
- kailangan
- hangad
- pwede
Halimbawang Pangungusap:
- Maaari ba kitang pasyalan sa inyong tahanan?
- Maaari mo ba akong pakinggan upang makapag – usap tayo ng maayos?
- Gusto mo bang sumama sa pagpunta sa bahay nina G. Cruz?
- Gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa naging ugali ko kanina.
- Ibig sana niyang lumiban sa klase ngunit naalala niyang may pagsusulit pa sila.
- Ibig niyang ipagpatuloy ang pag – aaral sa Maynila.
- Nais kong marating ang Europa!
- Nais kong makita ang aking ama kahit sa huling pagkakataon.
- Dapat mo ba siyang pagkatiwalaan matapos ka niyang paasahin?
- Dapat bang ilagay ang mga basurang yan sa harap ng bahay?
- Kailangan mo munang tapusin ang pagkain bago manood ng telebisyon.
- Kailangan mo ng magpahinga upang hindi na lumala pa ang iyong karamdaman.
- Hangad kong lagi ang inyong kaligtasan.
- Hangad ko ang kaligtasan ninyong dalawa.
- Pwede ba tayong mamasyal sa darating na Linggo?
- Pwede bang wag mo na lamang isama ang mga iyan sa itatapon?
Gamit ng Modal:
- Bilang malapandiwa o salitang kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap na walang totoong pandiwa. Dapat tandaan na walang totoong pandiwa ang mga pangungusap na ito. Ang mga modal na gusto, hangad, at kailangan ang nagpapahiwatig ng pandiwa.
Mga Halimbawa:
- Gusto ko ang ugali mo masaya kang kasama.
- Hangad ko ang iyong kaligayahan.
- Kailangan kong mabuhay pa ng mahabang panahon upang maalagaan ang mga anak ko.
- Bilang panuring o pantulong sa pandiwa na may anyong pandiwa na nalalagyan ng panlapi.
Mga Halimbawa:
- Gusto niyang makaahon sa kahirapan kaya naman buong sipag siyang nagtatrabaho.
- Ibig ng guro na magbigay ng makatarungang desisyon.
- Ibig ng prinsipe na makilala ang magandang binibini kaya naman inanyayahan niya ito sa kanilang kaharian.
Gamit ng modal: https://brainly.ph/question/53740
Uri ng Modal:
- Nagsasaad ng paghahangad, o pagkagusto nang higit kaysa iba.
Mga Halimbawa:
- Gusto kong matupad ang aking mga pangarap.
- Ibig mong maiahon sila sa kahirapan?
- Nagsasaad ng kakayahan o posibilidad.
Mga Halimbawa:
- Pwede silang magkaroon ng hanapbuhay.
- Maaari mong hiramin ang laptop ngayong gabi.
- Nagsasaad ng agarang pagtupad.
Mga Halimbawa:
- Dapat sundin ang batas - trapiko.
- Kailangan mong mag – aral nang mabuti.
- Nagsasaad ng hinihiling na mangyari, o obligasyon.
Mga Halimbawa:
- Dapat mong sundin ang mga ipinag - uutos sa iyo.
- Kailangan mong makaalis patungong ibang bansa upang makaahon sa kahirapan ang inyong pamilya.
Uri ng modal: https://brainly.ph/question/432178
Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Bumalik sa Imhr.ca para sa karagdagang kaalaman at kasagutan mula sa mga eksperto.