Answered

Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

hindi tao, hindi hayop ngunit may dalawang kamay ito

Sagot :

Answer:

"Hindi tao, hindi hayop ngunit may dalawang kamay"

Sagot: Orasan

Ang dalawang kamay ng orasan ay ang mahabang kamay na nagsasaad ng minuto at ang maiksing kamay naman ay ang oras.

Bugtong

Ang bugtong ay isa sa mga usong libangan ng mga bata noon hanggang ngayon. Ito ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan. Ang paglalaro nito ay patalasan ng isip at iinuturo rin ang mga ito sa klase.  

Iba pang Halimbawa ng Bugtong

1. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna  

Sagot: Niyog

2. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso  

Sagot: Santol  

3. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa

Sagot: Kalabasa  

4. Maliit na bahay, puno ng mga patay

Sagot: Posporo  

5. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari  

Sagot: Zipper  

6. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig  

Sagot: Asin  

7. Naligo si Kaka, ngunit hindi man lang nabasa

Sagot: Dahon ng Gabi  

8. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin  

Sagot: Sombrero  

9. May balbas ngunit walang mukha  

Sagot: Mais  

10. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan

Sagot: Kamiseta  

11. Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay Negro  

Sagot: Duhat  

12. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo  

Sagot: Walis  

13. Nang ihulog ko ay ay buto, nang hanguin ko ay trumpo  

Sagot: Singkamas

 

14. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona  

Sagot: Bayabas  

15. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona  

Sagot: Bayabas  

16. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

Sagot: Paruparo

17. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis

Sagot: Sili

18. May isang prinsesa nakaupo sa tasa.

Sagot: Kasoy

19. Matanda na ang nuno di pa naliligo

Sagot: Pusa

20. Ate ko ate mo ate ng lahat ng tao.

Sagot: Atis

21. Buto’t balat lumilipad

Sagot: Saranggola

22. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako

Sagot: Langka

23. May puno walang bunga, may dahon walang sanga

Sagot: Sandok

24. Eto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik

Sagot: Mga paa

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na:  

Mga Katotohanan Tungkol sa Bugtong: brainly.ph/question/1121716

brainly.ph/question/688086  

brainly.ph/question/1962746

LetsStudy

Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Sana'y naging kapaki-pakinabang ang mga sagot na iyong natagpuan. Huwag mag-atubiling bumalik para sa karagdagang impormasyon. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa karagdagang impormasyon at mga sagot sa iba pang mga tanong na mayroon ka. Laging bisitahin ang Imhr.ca para sa mga bago at kapani-paniwalang sagot mula sa aming mga eksperto.