Answered

Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

ang tungkulin ko bilang mamamayan?

Sagot :

learvy

Ang Tungkulin ko Bilang Mamamayan?

Upang maging isang mabuting mamamayan, mayroong mga katangian at pag-uugali na dapat nating isaalang alang. Mayroon ding mga karapatan at responsibilidad na dapat igalang ng lahat ng mamamayan. Bilang mga mamamayan ng ating bansa, lahat tayo ay may tungkulin na dapat gawin upang maisulong natin ang bansang Pilipinas. Kailangan nating bigyang pansin ang pagtugon sa mga tungkuling ito upang makakuha ng positibong epekto sa ating pamayanan at bansa.

Mga Tungkulin Bilang isang Mamamayan

  • Ipagtanggol at suportahan ang Konstitusyon.
  • Igalang ang bandila ng Pilipinas.
  • Maging mapanuri tungkol sa mga isyu na nakakaapekto sa iyong komunidad.
  • Makilahok sa prosesong demokratiko.
  • Mabuhay nang payapa at maging palakaibigan, huwag gumawa ng problema.
  • Igalang at sundin ang mga lokal na batas.
  • Mag-ambag sa pag-unlad at kapakanan nito.
  • Pagbutihin ang mga kasanayan upang mahulma ang susunod na henerasyon.
  • Igalang ang mga karapatan, paniniwala, at opinyon ng iba.
  • Makibahagi sa iyong lokal na komunidad.
  • Magbayad ng buwis nang tapat.
  • Ipagtanggol ang bansa.
  • Bilang magulang, paglaanan ang edukasyon ng mga anak.
  • Magsumikap upang maging magtagumpay sa buhay.
  • Magbigay ng pambansang serbisyo.
  • Protektahan at linangin ang likas na kapaligiran.
  • Pahalagahan at panatilihin ang mga pamana at kultura ng bawat lugar.
  • Magsikap patungo sa kahusayan.
  • Igalang ang buhay at dangal ng bawat tao at itaguyod ang karapatang pantao.
  • Tumulong sa mabuting pamamahala.
  • Bigyang kahalagahan ng pagtatanim ng puno

#BetterWithBrainly

Mga karagdagang paksa tungkol sa mamamayan:

Responsableng mamamayan: brainly.ph/question/2114563

Malusog at matalinong mamamayan: brainly.ph/question/118774