Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.

Ano ang tatlong mahahalagang bagay na naglalarawan sa pamumuhay ng mga katutubo at dayuhang aryan na naninirahan sa timog asya

Sagot :

Ang Mga Aryan

Ang lahi ng mga Aryan ay umiral at nabuo sa pagitan ng ika-19 at kalagitnaan ng ika-20 siglo at pinaniniwalaang ang bumuo sa Indo-Europeo na lhi. Sila ay nanirahan sa Timog Asya. Maaaring ilarawan sa tatlong mahahalagang bagay ang pamumuhay ng mga katutubo at dayuhang Aryan:

  1. Pamahalaan
  2. Lipunan at Kultura
  3. Ekonomiya

Pamahalaan

Ang uri ng pamamahala ng aryan ay nahahati sa teritoryo. Ang kanilang namumunong Rajah ay minamana at nagpaptuloy sa iisang pamilya. Mayroon din siyang tagapayo at mga katulong para sa pagpapatupad ng kapayapaan at seguridad.

Lipunan at Kultura

Mayamang ang pilosopiyang Aryan. Isa sa nalathalat at naipalaganap na karunungan ay ang Sistemang Caste at Veda.

Ang Veda ay naglalaman ng mga sumusunod:

  • himnong pandigmaan;
  • mga relihiyosong ritwal;
  • mga kuwento o epiko na may aral.

Ang Apat na Karungunan o Veda

  1. Ang Rig Veda ay ang pinakamatanda sa akda sa apat. Nakapokus ito sa kalikasan.
  2. Ang Sama Veda naman ay kalipunan ng mga ritwal at sinaunang seremonyal na mga gawain.
  3. Ang Athava Veda ay ang kasaysayan sa kultura at mga tradisyon.
  4. Ang Upanishad ang nagpapaliwanag sa ideya ng Reinkarnasyon.

Sistemang Caste

Ito ay ang pag-uuri ng tao ayon sa kalagayan sa lipunan. Narito ang apat na pag-uuri:

  1. Brahman - ay  binubuo ng mga pari na nagsisilbing marurunong at tagapagturo
  2. Kshatriya- sila ang mga maharlika at mandirigma
  3. Vaisya - ay ang mga karaniwang mamamayan, mga artisano, mangangalakal, magpapastol, at magsasaka
  4. Sudra na mga manggagawa at alipin

Sa labas ng sistema matatagpuan ang mga untouchable o pariah, mga mamamayang hindi Aryan na karaniwang mahihirap at gumaganap ng mababang uri ng trabaho.

Alamin pa ang panitikan ng Aryan sa https://brainly.ph/question/799232.

Ano ang kinalaman ng turing reinkarnasyon, karma sa sistemang caste? Basahin ito sa https://brainly.ph/question/1034546.

Alamin ang siklo ng reinkarnasyon sa https://brainly.ph/question/1398089.

Ekonomiya

Narito ang ilang hanap-buhay ng mga Aryan:

  • Pagpapastol
  • Pagsasaka
  • Pagkakarpintero
  • Paghahabi
  • Pagkukulti ng balat ng hayop
  • Paggawa ng mga kagamitang pambahay

Dito, pangunahin na ang pagsasaka at pagpapastol o hayupan ang kanilang gawain. Marami sa panahon nila ang nagtatanim ng barley at trigo.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/199214#readmore"

Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Imhr.ca ay nandito para sa iyong mga katanungan. Huwag kalimutang bumalik para sa mga bagong sagot.